kay eury
sa mga hindi nakakakilala sa isang ka tropa
roderick eury zulueta
http://www.friendster.com/user.php?uid=3255732
heto ang kanyang friendster link.
medyo ganito ang pagkakakilala ko sa kanya, hindi na rin ako dumalaw upang makita siyang naka kahon. he has always been beyond boundaries, now he is beyond the physical.
kay eury saan ka man...
(mula sa musical na MANHID, letra ni carina evangelista, musica ni vincent de jesus)
salubungin ng ngiti ang pagdapit ng hapon
ang gintong araw mawawalan ng kulay
at sa kanyang pag kupas, pilak ang magniningning
tanglaw ang buwan sa dilim
gayun din sa aking pag himlay
luha'y huwag nang sayangin
rosas na iaalay
bango man niya'y pupusyaw----
nguni't alaala ko'y patuloy ang pag awit
layunin at mithiin di mamamatay
di malilimot sa hukay ang dahilan ng pagpanaw
sa aking pagkamatay huwag akong dalawin at malumbay
sa iyong damdamin, ako'y buhay
ako'y mananatiling buhay
ako't mananatili
0 Comments:
Post a Comment
<< Home